Sumagot ng captcha sa network
2captcha.com - ay serbisyong nagbibigay ng kasagutan sa captcha
Ang captcha ay imahe na may magulo at nakalilitong teksto na kinakailangang ayusin at sagutan o mga imahe na kinakailangan piliin ayun sa hinihinging instruksiyon. Eto ay dapat gawin upang patunayan na ikaw ay hindi robot. Ang 2captcha ay ginawa para maikonekta ang customer na nangangailangan ng pagkilala ng maraming captcha sa aktuwal na oras at ng worker na kumikita sa pagsagot ng captchas.
Ang 2captcha ay kayang makasagot ng pangkasalukuyang kilalang captcha. Mayroon kaming bulto ng manggagawa sa network na kayang sumagot ng hanggang 10,000 captcha bawat minuto (maaari ding makasagot ng higit pa kung dadagdagan eto ng paunti-unti)
Ang 2captcha ay ang unang online na trabaho. Ang kita ay hindi kalakihan at hindi eto pang full time na trabaho na may mahigpit na kautusan. Nagbibigay eto ng pagkakataon sa mga online worker na magkaroon ng karagdagang kita sa kanilang libreng oras.
Paano gumagana ang serbisyo nito?
Maraming Customer ang nangangailangan ng kasagutan sa kanilang captchas sa aktuwal na oras. At marami namang mga Workers ang nag aantay na makasagot ng captchas. Ang aming serbisyo ay naghahatid ng captchas mula sa Customer patungong Worker at ang sagot mula kay Worker pabalik sa Customer.
Paano ito nangyayari?
1. Ang worker ay humihiling ng captcha. Kung walang dumarating na captcha, ang worker ay nakapila lamang at nag aantay ng captcha.
2. Ang mga Customer ay mag uupload ng captcha na ipapadala sa aming server.
3. Magtatalaga kami ng isang natatanging ID na naglalarawan ng isang CAPTCHA, inuulat ito sa customer at ibabawas mula sa kanyang balanse para sa nasagutang captcha.
4. Ipapadala namin ang captcha sa mga worker na nakapila at nagaantay ng matagal.
5. Agad etong lulutasin ng worker at ipapadala ang sagot sa aming server.
6 Iniimbak namin ang sagot sa aming database at magbabayad sa account ng worker para sa mga nasagutang captcha.
7. Kapag ang customer ay humiling ng sagot sa pamamagitan ng CAPTCHA ID, pinapadala namin ang sagot at kung eto man ay hindi pa nasagutan, magbibigay kami ng abiso na eto ay hindi pa handa at maghintay na ilang segundo.
8. Kapag ang sagot ay mali,ang customer ay maghahain ng reklamo para sa maling pagkilala ng captcha at ang sagot ay naka-check sa pamamagitan ng mga propesyonal na may mahusay na rating, sa batayan ng kung saan ang isang desisyon ay ginawa sa pabor ng customer o empleyado.
Bakit kailangan ito ng customer?
Kadalasan ang mga tao ay nakakatagpo ng mga trabahong hindi magawa ng awtomatiko dahil mayroong captcha. Halimbawa magpadala ng isang notipikasyon sa mga maramihang paggamit ng isang organisasyon o bumili ng ilang mga pares ng sneakers sa panahon ng pagbebenta o makakuha ng mga ranggo ng sariling website sa pamamagitan ng iba't-ibang pagsisiyasat at marami pang ibang posibleng dahilan.
Dati ang mga tao ay naglalaan ng maraming oras sa pagsagot ng captcha sa manwal na paraan. Hanggang ang mga tao ay nagsimulang magkaisa sa prinsipyong "Ikaw ngayon ang magtatrabaho para sa akin at ako din naman ay magtatrabaho sa iyo." , at pagkatapos ay mabilis na naabot ang punto na maaari kang magbayad ng mura para sa mga nagsisimulang kumita ng pera sa Internet (Captcha Solver) sa halip na si Customer ang magsagot ng kanilang mga Captcha. At diyan nagsimula kung papaano naitatag ang serbisyong eto. Sa aming palagay, kami ang pinakakilalang captcha solving service sa ganitong industriya. Salamat sa bumubuo ng 2captcha, ang mga Developers at Support Team.